Latest News‎ > ‎

Araw ng Kalayaan

posted Oct 23, 2009, 2:39 PM by Gemma Rose Loyola

Ginunita ng mga Balangueño ang ika-111 taong Araw ng Kalayaan sa pangunguna ni Balanga City Mayor Jose Enrique Joet Garcia III, kasama ang mga guro at kawani ng pamahalaang lokal ng Lungsod ng Balanga.

Suot ang dilaw na t-shirt na may nakasulat na “Ako ay World Class”, nagparada ang mga lumahok sa pagdiriwang hawak ang bandera ng Pilipinas na buong pagmamalaki nilang iwinagayway. Sinundan ito ng isang programa kung saan ay ipinaalala ang kahalagahan ng kalayaan at ang paghihirap ng mga Pilipino upang makamit ito. Dito ay naganap din ang groundbreaking and unveiling ng panukalang disenyo para sa urban renewal at redevelopment project ng lumang plaza. Ayon kay Mayor Garcia ang pagpapalit mukha ng plaza ay inaasahang matatapos sa Setyembre ng taong kasalukuyan bilang paghahanda sa 5th International Bird Festival na gaganapin sa lungsod mula Oktubre 9-12, 2009. Ang programa ay nagtapos sa isang salu-salo ng mga dumalo sa nasabing pagdiriwang

Subpage Listing

Comments