Latest News‎ > ‎

Physical Fitness Test, Isinagawa

posted Oct 23, 2009, 2:31 PM by Gemma Rose Loyola
                Nagsagawa ang Cataning Elementary School ng isang Physical Fitness Test noong nakaraang Hunyo. Ito ay pinangunahan ng Sports Coordinator na si G. Eduardo Malibiran at ng mga guro ng Physical Education (P.E) mula ika-apat hanggang ika-anim na baitang. Ito ay  isinagawa upang malaman ang kakayahan ng bawat bata. Sinukat ang kanilang kakayahan sa pamamgitan ng “partial curl-ups, trunk lift, right angle push-ups, sit and, reach, shoulder stretch, 1 km. walk/run, standing long jump, basketball pass at 40m. sprint.”

Kasabay din nito, pinili ang mga batang isasali sa nalalapit na City Meet. Pinagbasehan ang resulta ng isinagawang Physical Fitness Test sa pagpili ng mga kwalipikadong mag-aaral na isasali sa Cataning Elementary Schoo Sports Team. Ang mga batang nakapasa sa mga pagsusuri ang siyang sasanayin para sa City Meet 2009-2010.

                Dahil na rin sa “individual diffences” kung kaya hindi lahat ay maaaring makapasa sa pagsusuri. Gayun pa man, ang lahat ng batang sumailalim sa pagsusuri ay nagpakitang gilas at inilabas ang lahat ng kanilang makakaya at lakas upang mapasama sa Winning Sports Team ng Cataning. 

Subpage Listing

Comments