Nagkaroon ng magandang bunga ang pagod, hirap at
sakripisyo ng grupo ng Drum and Lyre ng Cataning Elementary School sa paggabay
ng masipag at mabait na guro na si Gng. Ma. Luisa D. Gomez at ng Drum and Lyre
Instructor Sir. Ben Carlos na walang sawang nagtuturo upang magsanay ng tamang
paghawak at pagtugtog ng iba’t-ibang instrument. Hindi nila inalintana ang
paghamak at pagkutya ng ibang tao upang mabuo ang grupong ito. Sa kalauna’y nagkaroon ng katuparan ang pangarap na ito na
maging ganap at makilala ang Cataning Elementary School Drum and Lyre.
Sa tulong ng Pamunuan ng Barangay Cataning sa pangunguna ni Punong Barangay Benigno P. Meriño ay inilunsad ang Blessings/Inauguration ng Drum and Lyre ng Cataning Elem. School kasabay ng Cataning Multi-Purpose Hall noong ika- 27 ng Abril taong kasalukuyan upang hingin ang gabay ng ating Panginoong Diyos. At dito na nag-umpisa ang iba’t ibang blessing na nakamit at natanggap ng grupo. Nakilala ang Drum and Lyre ng Cataning Elem. School dito sa Lungsod ng Balanga at maging sa ibang bayan ng Bataan ay naimbitahan sila upang magtanghal at maipakita ang kanilang talento. Kabilang ang mga sumusunod: May 26, 2009 – Bario Intsik, San Jose – Ma’am Iza May 22, 2009 – Santa Cruzan, Cataning – Pastoral Council May 21, 2009 – Bayan-Bayanan ng Ita, Bilolo, Orion Bataan w/ Lions Club – Ate Vicky (Judy Ann Santos’ Foundation) May 17, 2009 – Fiesta Hillcrest, Ugong, Miray, Cataning – Capt. Meriño May 16, 2009 – Santa Cruzan, Tagle’s Ville, San Jose – Dra. Lucero May 15, 2009 – Daan Bilolo, Orion Bataan May 09, 2009 – Santa Cruzan, San Jose – Hermana Atty. Paguio, Capt. Diwa Sa kasalukuyan, ang grupo ng Drum and Lyre ng Cataning Elem. School ay patuloy na pinapalakas, pinapaunlad, pinapaganda at hinahasa upang higit na maging mahusay. |
Latest News >