Latest News‎ > ‎

CATANING ELEMENTARY SCHOOL, WAGI SA NCCT

posted May 12, 2011, 1:07 AM by Gemma Rose Loyola

Isa na namang malaking karangalan ang nakamit ng Cataning Elementary School kung saan naiuwi nila ang apat(4) na tropeo at naging Most Outstanding School Elementary Level sa ginanap na National Council for Children’s Television (NCCT) DepEd Media Forum for Children, Teachers and Parents na ginanap noong July 28-30, 2010 sa Bulwagan Phase II Capitol, Balanga City.

Layunin ng Media Forum ang mabigyan ng tamang kaalaman at impormasyon ang mga kabataan pati na ang mga guro at magulang sa pagpili ng mga dapat panoorin sa telebisyon at mabigyan ng angkop na paliwanag kung ano man ang kanilang napapanood o nakikita dito. Pinangunahan ng batikang director ng NCCT na si G. Frank G. Rivera ang nasabing programa sa tulong ng Pamahalaang Lungsod ng Balanga at DepEd Balanga City. Lahat ng pampublikong mababa at mataas na paaralan ng lungsod ay lumahok sa nasabing programa.

Nilahukan ng mga piling mag-aaral, mga magulang at mga guro ang nasabing programa. Ang mga mag-aaral ng Cataning na lumahok dito ay sina Ron Joel Paragatos, Owen Atienza, Rhoy Alberca at Micaela Mercado na mula sa ika-anim na baitang at sina Austin Jake de Leon, Jeanelle Bamba, Dominique Nisay at Bea Camille Santos na mula naman sa ikalimang baitang. Kasama rin ang mga guro na sina Gng. Jennifer J. Tutol, Gng. Ma. Luisa M. Gomez, Gng. Michelle Marie M. Diaz at G. Eduardo Malibiran. Gayundin din ang mga magulang na walang sawang sumusuporta at nagpamalas ng kani-kanilang mga talento na sina Gng. Paragatos, Gng. Alberca, Gng. Nisay at Gng. Santos.

Ipinamalas nila ang kanilang talino, galing sa pag-arte, pagsayaw at pag-awit. Ngunit hindi naman nasayang ang pagod at hirap ng mga nagsilahok dahil nasuklian ng karangalan ang kanilang pagpapakitang gilas. At sa huli, umuwi silang may ngiti sa mga labi dahil ang ating paaralan, ang Cataning Elementary School, Wagi...

Comments