Latest News‎ > ‎

Cataning E/S, Handa sa Lindol!

posted May 12, 2011, 1:23 AM by Gemma Rose Loyola

 

San Jose, Balanga City- nagsagawa ng isang earthquake drill ang City Disaster Coordinating Operations (CDCO) sa paaralan ng Cataning, ika – 6 ng Oktubre taong 2010 upang magkaroon ng kasanayan ang mga mag-aaral at guro  sakaling lumindol.

 

            Sineryoso ng lahat ang naturang pagsasanay kung kaya’t nang tumunog ang sirena ginawa ng lahat ang “duck,cover, hold” na posisyon. Nagkaroon din ng isang “Search and Rescue Operation” na kung saan isang bata at isang guro ang nagpanggap na mga casualties sa naturang pagsasanay upang maging makatotohanan ito. Agad naman silang nalapatan ng paunang lunas ng mga magagaling na mga guro na tumayong mga first aider.

 

            Isang tagumpay ang naturang pagsasanay sapagkat nakipagtulungan ang lahat. Kaya masasabi kong ang Cataning E/S ay  handa sa lindol!

Comments