Latest News‎ > ‎

Cataning, Humakot ng Parangal sa DSPC

posted Oct 22, 2009, 10:34 PM by Gemma Rose Loyola
Humakot ng parangal ang Cataning Elementary School sa Division Schools Press Conference (DSPC) na ginanap sa Balanga Integrated School (BIS) noong Hulyo 31, Agosto 2 at 3 na nilahukan ng mga mag-aaral sa elementary at sekondarya mula sa pampubliko at pribadong paaralan.

Minsan na namang napatunayan ng ating mga kalahok ang kanilang galling sa iba’t ibang larangan ng pagbabalita. Samantalang nakamit ni Princess Aubrey C. Pacaña (VI-1),  ang 1st place – Photo Journalism-English, Jeremy C. Meriño(VI-1), 3rd place Photo Journalism-Filipino, Marjorie P. Mendoza (VI-1), 2nd place Editorial Writing-Filipino at Owen P. Atienza (V-1), 2nd place Editorial Cartooning-English, kung saan sila rin ang magiging kalahok sa gaganapin na Regional School Press Conference (RSPC) sa Gapan, Nueva Ecija.

Nagkamit din ng karangalan si Kyel P. Mendoza (VI-1), 4th place Newswriting-English at naiuwi naman ang ikalima, ikaapat at ikatlong puwesto ng broadcasting sa pangunguna nina Rhoy S. Alberca (V-1), Darry Bhoy N. Cabusao (V-1), Lyka D. Parrera (V-1), Jeff Marvin L. Cruzada (VI-1), Jolina H. Recio (VI-1), Marisol Abad (VI-1) at Jerico S. Valencia (IV-1).

Sa kabuuan nakamit ng Cataning ang ikaapat na puwesto sa English Category at ikalimang puwesto sa Filipino Category.

More news


Comments