Latest News‎ > ‎

CES, pumangatlo sa Brigada Eskwela

posted Feb 4, 2016, 6:27 PM by Gemma Rose Loyola
    BALANGA CITY-  Nasungkit ng Cataning Elementary School ang ikatlong puwesto sa isinagawang pang Dibisyong contest sa Brigada Eskwela ( Exceptional Category) na isinagawa sa Blue Horizon ng Crown Royale Hotel noong Setyembre 24, 2015.
    
Sulit ang pagod at hirap ng mga guro, mag-aaral at mga magulang na nagtulung-tulong sa pagsasaayos ng paaralan bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase noong Hunyo. Matapos ang pagsusuring isinagawa ng aming SGOD Team, natanggap ng paaralan ang bunga ng kanilang pagkakaisa. 
    
    Nakamit din ng dalawang Brigada Eskwela Coordinators na sina Gng. Jennifer J. Tutol at G. Glordan I.Punzalan ang sertipiko ng pagkilala. “Sulit ang pagod at puyat namin ng mga ilang araw upang matapos namin ang mga dokumentong kakailanganin sa gagawing pagsusuri,” ani G. Punzalan.
     
    “Dito makikita ang tunay na pagkakaisa ng mga taga Barangay Cataning at Barangay San Jose.” Kasama namin sila sa loob ng isang linggong linisan at kumpunihan sa nasabing paaralan,” dagdag ni Gng. Tutol. 

    Masayang ibinahagi din ng aming punongguro na si Gng. Ma. Elena V. Medina ang plaque ng pagkilala sa lahat ng nakibahagi upang makamit natin ang tagumpay.”Dahil sa inyo kung kaya nakamit natin ito.”pasasalamat ni Gng. Medina.
Comments