Latest News‎ > ‎

Deworming, Matagumpay na Naisagawa

posted Oct 23, 2009, 2:36 PM by Gemma Rose Loyola

                Matagumpay na naisagawa ang “deworming” noong Hulyo 29 taong kasalukuyan sa mga bata sa paaralan ng Cataning. Sa tulong ng mga nars sa ating dibisyon at mga kaguruan nagging maayos ang pagsasagawa nito.

                Lahat ng mga batang may permiso ng kanilang mga magulang mula sa unang baitang hanggang ika-anim na baitang ang binigyan ng gamot na pampurga. Na kung saan ang gamot na ito ang tutulong sa mga bata na mailabas ang mga bulateng nasa loob ng kanilang tiyan na umaagaw sa nutrisyon na kailangan ng kanilang katawan.

                Ang pagpupurga sa mga bata ay malaking naitutulong upang manatiling malusog ang kanilang pangangatawan at kalusugan. Hindi naman lingid sa ating kaalaman ang masamang naidudulot ng mga bulate na nasa loob ng ating tiyan sa ating kalusugan.Sapagkat ito ang kumakain sa mga nutrisyon na dapat sa katawan natin mapupunta na mauuwi sa pagiging “malnourish” ng isang bata. At kung ang bilang ng mga ito ay dumami sa loob ng ating katawan maaari itong maging sanhi n gating kamatayan.

                Kung kaya’t isang napakahalagang bagay sa aming mga kabataan na mabigayn ng ganitong pagkakataon na sumailalim sa deworming. At dahil sa kaisipang ito, ang kabuuan ng proyekto ay tunay na isang tagumpay.

Subpage Listing

Comments