Latest News‎ > ‎

Diwa ng Pagkakaisa, Ipinakita sa Brigada Eskwela

posted Oct 23, 2009, 2:33 PM by Gemma Rose Loyola
                Sa loob ng limang araw ng Brigada Eskwela ang diwa ng pagkakaisa ay muli na namang ipinakita. Inilunsad ang Brigada Eskwela noong ika-21 ng Mayo, 2009. Maaga pa lang ay nagsimula ng maglinis ang mga kawani ng barangay ng San Jose sa pangunguna ni Kagalang-galang Delpin Diwa punong barangay ng San Jose. Tumulong silang linisin ang kanal ng malapit sa paaralan, ang iba naman ay naggrass-cutter at ang iba naman ay nagwalis sa buong kapaligiran.

                Ang iba namang mga magulang ay tumulong sa mga guro na maglinis ng kanilang silid-aralan at magkumpuni ng mga sirang upuan pati na rin ang magpintura ng kanilang silid. Ikalawang araw ng brigade ng magpadala ng tulong ang barangay Cataning sa pangunguna ng kanilang mahal na punongbarangay, Kagalang-galang Benigno Meriño. Na kung saan sila naman ang tumulong na magkumpuni ng mga linya ng koryente at tubig. Sinagot din ni Kapitan Meriño ang bagong doorknob ng ibang silid ng mga guro lalo na sa baitang apat.

                Ang mga magulang na hindi nakatulong sa paglilinis dahil sa kanilang trabaho ay nagboluntaryong nagbigay ng cash na siyang ginamit ng mga guro na pambili ng mga iba pang gamit na kakailanganin sa pagsasa-ayos ng kanilang silid.

                Nagbigay din ng tulong pinasyal ang Pamahalaang Lungsod ng Balanga upang magamit ng paaralan sa iba pang pagawain ng paaralan upang tuluyan itong maging handa sa nalalapit na pasukan ng mga bata.

                Tunay nga buhay pa rin ang diwa ng pagkakaisa ng mga Pilipino at ito ay nakita sa sama-samang pagtutulungan ng mga guro, magulang, opisyal  at komunidad para sa ikakabuti ng mga mag-aaral.

                

Subpage Listing

Comments