Latest News‎ > ‎

Duck Cover and Hold

posted Nov 25, 2013, 12:55 AM by Gemma Rose Loyola

    Paghahanda at pagpaplano ang tanging sandata upang hindi mapahamak sa oras ng sakuna.

 

    Oktubre 15, 2013 8:12 n.u. sa Bohol, naitala ang 7.2  lindol sa Eskalang sismolohikong Richter. Ang episentro nito ay matatagpuan sa Carmen, Bohol at may lalim na 33 kilometer. 

 

    Maraming ang  napinsala sa lalawigan ng Bohol. Ayon sa pahayag na inilabas ng NDRRMC,  mahigit na 199 na katao ang tiyak na nasawi, 648 na katao ang tiyak na nasaktan, at 8 ang kompirmadong nawawala. Tinatayang hindi bababa sa ₱2.2 bilyon ang inaasahang pinsala ng pagyanig. Ang bayan ng Loon ang naitalang may pinakamaraming bilang ng nasawi. Halos 1,137,852 katao o higit sa 90% ng bilang populasyon sa pulo ang naapektuhan ng pagyanig. Humigit kumulang 52,500 mga kabahayan ang napinsala o nawasak, kung saan ang mga bayan ng Tubigon, Carmen, at Calape ang labis na napinsala

 

    Nais mo bang maulit pa ito? Ang sagot ay …HINDI.  Ngunit ayon sa mga esperto ang lindol ay hindi maiiwasan, hindi ito katulad ng bagyo na alam kung kailan tatama at kung gaano kalakas. Ang lindol ay biglaan at traydor! Dapat tayong maging handa. Dapat ay sapat ang ating kaalaman para di mapahamak.

 

    Taon taon ay nagsasagawa tayo ng earthquake drill sa paaralan . Ang unang itinuturo ay ang mga katagang : “Duck Cover and Hold”. Kapag tinanong mo ang mga mag-aaral kung ano at paano yan gagawin… aba… alam na alam nila. Itinuturo din sa mga bata ang pinakatamang lugar kung saan sila tatakbo para maging safe.

 

    Ngunit ang tanong: Epektibo kaya ito? May matatakbuhan pa ba ang mga mag-aaral kung lilindol? O baka naman sa liit ng paaralan at sa dami ng gusali wala naring pupuntahan ang mga bata.

 

    Nararapat na ihanda din ng DepEd  ang mga paaralan para sa ganitong sakuna, hindi lang ang guro at mga bata ganun din ang mismong paaralan, baka kasi wala ng “open space” para takbuhan kung sakaling lumindol.

 

    Don’t panic…isa pang mabisang paraan para makaligtas sa lindol. Ang pagpapanic ay maaring maging dahilan ng kalituhan at maaring malimutan ang lahat ng natutunan sa earthquake drill. 

 

    Mahalaga din na may “family emergency plan” na kung saan alam ng bawat miyembro ng pamilya kung ano ang tamang gagawin kapag lumindol at pagkatapos ng lindol.

 

    Kilos! Ihanda ang sarili. Maplano upang sigurado ang kaligtasan.

    
Comments