Latest News‎ > ‎

Editoryal : Anak Mo, Gabay Mo

posted May 12, 2011, 1:26 AM by Gemma Rose Loyola
 

Ang batang marunong gumalang ay may respeto sa kapwa matanda man o bata. Ito’y patunay na tayo’y naturuan ng tamang disiplina ng ating magulang  sa ating paglaki. 

Bago pa man isilang ang isang bata, isinasaisip na ng magulang na ang kanyang anak ay magtataglay ng kagandahang-asal. Sa pagsisimula ng kanyang  buhay ang kapiling niya ay ang kanyang magulang. Ang magulang ang nagsisilbing unang guro ng kanilang anak. Sa murang edad na ito ay dapat na hinuhubog na ng magulang ang magagandang pag-uugali ng kanyang anak. Itinuturo na rin ng magulang ang tama at mali, kasama na dito ang pagdidisiplina sa kanila.

Sa ganitong paraan, taglay na ng bata ang disiplina sa sarili kapag siya ay nag-aral.  Maari na siyang tumayo sa sarili niyang paa. Panatag ang isipan ng magulang na tama ang ginagawa ng kanyang anak dahil ito ay naturuan niya ng disiplina sa sarili. Makakita man o makadinig ito ng mga  di kanaisnais  sa paaralan kaya niyang disiplinahin ang kanyang sarili.

Ang maagang pagtuturo ng disiplina sa sarili ay makakatulong sa pag unlad ng bansa. Ang bansang may mamamayang disiplinado ay bansang organisado.

Mahalaga na pagtuunan ng pansin ng mga magulang pagtuturo ng disiplina sa sarili. Sa murang edad ng bata, dapat ay matatak na sa kanilang isispan ang kahalagahan ng pagdidisiplina.

Comments