Latest News‎ > ‎

Education Summit, Induction ng PTA Officers, Magkasabay na Inilunsad

posted Oct 22, 2009, 10:29 PM by Gemma Rose Loyola
Magkasabay na inilunsad ang Education Summit at Induction of PTA Officers noong ika-14 ng Agosto sa Louis Restaurant na nilahukan ng mga magulang at guro mula sa District II ng Division of City of Balanga.

Sa pagsisikap at magkatuwang na pagtutulungan ng City Government at DepEd Officials ng City of Balanga naging matagumpay ang nasabing programa.
Naging tampok na panauhin si Mayor Joet Garcia – Balanga City Mayor at Mr. Jessie D. Ferrer – Assistant Division Superintendent – Division of City of Balanga sa ginanap na pagtitipon.

Samantalang nabigyan ng pagkakataon ang mga magulang at guro na magbigay ng kanilang saloobin hinggil sa edukasyon sa pamamagitan ng question and answer portion sa pangunguna ng grupo ng Synergia.

Natuon din ang programa sa mga hangarin at layunin ng City Government of Balanga na matulungan ang DepEd na mabigyan ng mataas na kalidad ng edukasyon ang bawat kabataang Balangueño, na ikinatuwa ng bawat isa.

Samantalang nanumpa naman ang PTA Officers ng bawat paaralan kabilang ang mga magulang ng Cataning Elementary School, Tenejero Elementary School at Cabog-cabog Elementary School sa pangunguna ni Mayor Joet Garcis, kaakibat ng pangakong makikiisa ang bawat isa para sa abot-kamay na “100% quality education.”

Comments