Latest News‎ > ‎

School Canteen, Naipatayo Na

posted Oct 23, 2009, 1:52 PM by Gemma Rose Loyola

Natapos na ang pinapatayong School Canteen ng Cataning Elementary School, na ngayon ay kasalukuyang pinakikinabangan ng mahigit sa isang libong mag-aaral at guro ng nasabing paaralan.

            Sinimulang itinayo ang kantina noong Disyembre, 2008 sa pangunguna ni G. Loreto Santos at iba pang mga opisyales ng GPTA. Sa tulong ng punongguro ng paaralan at sa ibinigay na tulong pinansyal ng City Government ng Balanga sa pamumuno ng ating kagalang-galang na Mayor Jose Enrique S. Garcia III at mga kasamahan niya sa Sangguniang Panglungsod ng Balanga ay nabigyang katuparan ang pagpapatayo ng school canteen.

            Ayon sa pamunuan ng GPTA, pinagpursigihan nila na magkaroon ng isang maayos na kantina para sa kapakanan ng mga mag-aaral at mga guro ng paaralan.

            Sa pagbubukas ng taon pampaaralan 2009-2010 ay nagsimula na itong maglingkod sa paaralan sa ilalim ng pamamahala ni Gng. Lourdes Santiago-H.E teacher at sa tulong ng mga guro ng paaralan. Napagsisilbihan ang mga mag-aaral ng masustansiya, malinis at murang pagkain.

Comments