Latest News‎ > ‎

‘Every Child A Reader’ Program, pinaiigting

posted Feb 4, 2016, 6:20 PM by Gemma Rose Loyola
SIMULA NOONG PINAKILALA NG DepEd sa pangunguna ni Secretary Armin Luistro ang programang “Every Child A Reader” noong 2011, ang Cataning Elementary School ay patuloy na nagpapakita ng suporta sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga aktibidad na nakapaloob dito.
  
    Si Ginang Jennifer Tutol, na isa sa mga nanalo sa nakaraang “Division Culminating Activity of the Reading Month” noong Enero 15, 2015 bilang Best Intervention Materials at Outstanding Reading Teacher, ang siyang nagsisibing tagapayo upang tuluy-tuloy ang pagsasagawa ng Read-A-Thon, Drop Everything And Read (DEAR) at Shared Reading o Readers’ Mentoring.
 
    Sa pamamagitan ng pagbibigay ng PreTest ay natutukoy ng mga guro kung anu-ano ang angkop na aktibidad sa bawat bata.  Sa Pre-Test na ginanap noong Agosto 2015 mula baitang III hanggang VI sa kategoryang Philippine Informal Reading Inventory – Silent Reading Test at Oral Reading Test, napag-alaman na 833 na mag-aaral ang mabagal pang bumasa mula sa kabuuang bilang na 918 Pagbasa ng Tahimik samantala, 731 naman ang napabilang sa Pagkabigo at 85 ang di makabasa mula sa kabuuang bilang na 918 sa Pagbasa ng ‘Every Child A Reader’ Program, pinaiigting Pasalita. 

    Dahil dito, puspusan ang ginagawang pagtutok ng mga guro sa kanilang mag-aaral upang mapatuto ang mga mag-aaral sa pagbasa kung kaya naman iba’t ibang programang nauukol sa pagbasa ang isinagawa ng paaralan. 
Comments