Latest News‎ > ‎

Gabi ng DepEd

posted Feb 6, 2010, 5:10 PM by Gemma Rose Loyola


        Lubhang naging masaya at nakaaaliw ang gabi ng DepEd na ginanap noong ika-8 ng Disyembre 2009 sa liwasan ng Lungsod ng Balanga.

Sa nasabing pagtatanghal ay lumahok ang lahat ng paaralan pang-elemetarya mula sa publiko at pribado. Dito ay sama-samang nagtanghal ang mga guro at mag-aaral. Ipinakita sa bawat pagtatanghal ng bawat paaralan ang pinagmulan ng barangay na kinalalagyan ng kanilang paaralan. Di lamang nasiyahan ang mga manood sa kanilang nakita sila rin ay maraming natutunan dito.  

                Ang Cataning Elementary School, sa pangunguna ni Gng Amelia T. Inieto ay pinalad na mapasama  sa mga nagtanghal sa Gabi ng DepEd. Ayon sa mga nakapanood, ang pagtatanghal ng mga guro sa Cataning ay talaga namang nakakaaliw. Komedya ang dating ng kanilang pagtatanghal na sinamahan ng sayaw.

Comments