Latest News‎ > ‎

Guro Ko, Bayani

posted Feb 13, 2010, 4:49 AM by Gemma Rose Loyola

           

             Nagtungo ang lahat ng guro sa Bataan People’s Center noong ika-5 ng Oktubre, 2009, upang ipagdiwang ang Teacher’s Day na may temang “Guro Ko, Bayani.”

Ang nasabing pagdiriwang ay pinangunahan ni Dr. Leonardo Zapanta sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaang lokal ng Balanga City. Sinimulan ang pagdiriwang ng misa, na sinundan ng programa. Nagsagawa ng mga palaro na nilahukan ng iba’t-ibang guro mula sa public at private schools. Nagpakitang gilas din sa pagsayaw ang mga guro. Ang pinakatampok sa araw na iyon ay ang pagbibigay karangalan sa mahuhusay na guro sa Grade I. Mapalad na napasama si Gng Ma. Luisa Gomez sa nabigyan ng parangal. Nakatanggap din ng school supplies ang lahat ng guro ng Grade I.

Dumating sa nasabing pagdiriwang ang gobernador ng Bataan, Kgg. Tet Garcia, kasama ang mahusay na punong lungsod ng Balanga, Mayor Joet Garcia at Konsehal  VJ Fernandez. Pinuri ng gobernador at mayor ang mga guro sa kanilang malaking kontribusyon sa ikauunlad ng Balanga City. Nagbigay din ng regalo ang mga nabanggit sa mga guro.

Comments