Latest News‎ > ‎

Linggo ng Wika

posted Oct 23, 2009, 2:41 PM by Gemma Rose Loyola
                Ipinagdiwang ng Paaralan ng Cataning ang Pambansang Buwan ng Wika noong ika-27 ng Agosto, taong kasalukuyan sa pangunguna ng mahuhusay na guro mula sa ikalawang baitang.

Ipinaalala ni Gng Gemma Rose D. Loyola guro sa ika-anim na baitang, ang kahalagan ng wika. Binanggit niya ang tanyag na katagang“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.”

Nagkaroon din ng pagpapakita ng talento ang mga mag-aaral ng Cataning sa nasabing programa. May mga umawit ng naggagandahang awitin ng Pinoy, may nagsabayang pagbigkas, tumula  at sumayaw ng mga sayawin ng Pilipino.

Sa ginawang programang ito ng Cataning lumutang ang pagiging makabayan ng mga mag-aaral at naging dahilan din ito upang magkaroon ng mas malalim na pang-unawa ang mga kabataan kahalagahan ng Wikang Pilipino.

                Lubos na naging matagumpay ang nasabing programa at naligayahan di lamang ang mga mag-aaral na nanood gayundin ang kanilang mga magulang.

 

Subpage Listing

Comments