Latest News‎ > ‎

Mosquito OL Trap

posted Nov 25, 2013, 12:58 AM by Gemma Rose Loyola

    Ang mataas na bilang ng Pilipino na namamatay sa lamok ay sapat ng dahilan para umisip o maghanap ng paraan para mapuksa ito.

 

    Mayroong 50 milyong kaso ng impeksiyon sa Dengue Fever sa buong mundo kada taon. Sa Pilipinas  204 katao na ang iniulat na nasawi dahil sa nakamamatay na sakit na dengue. Ayon sa  Department of Health (DOH), ang naturang bilang ng mga nasawi sa dengue ay kasama sa kabuuang 45,037 dengue cases na naitala sa bansa mula Enero 1 hanggang Hunyo 15, ng taong ito. Tumataas ang bilang ng mga kaso ng Dengue tuwing paparating na ang panahon ng tag-ulan.

 

    Hindi lamang dengue ang sakit na dala ng lamok. Malaria, encephalitis, elephantiasis at chikungunya ay mga sakit na maaari nating makuha sa isang kagat lamang ng lamok.

 

    Ano ang dapat nating gawin sa mga lamok na ito? Kaawa-awa ang sinumang maapektuhan ng mga sakit na ito. Ang pinakadilikado dito ay ang mga batang paslit na madalas maglaro sa ating bakuran. Nagkalat ang mga lamok. Kahit saan yata ay may lamok. Mahirap silang mapansin dahil sa kanilang kulay na itim at sa kanilang liit. Kailangang umisip ng paraan upang mapuksa ang nakamamatay na lamok.

 

    Ang panawagan na puksain ang pumatay na dengue ay parang lamok na umuugong sa ating tenga. Isa itong malaking problema. At ang pinakamabisang paraan para solusyunan ang problema nito ay ang magsimula sa pinaka-ugat. Patayin ang itlog ng lamok!

 

    Ang isang babaeng lamok ay naglalabas ng 400 na itlog, apat na beses sa kanyang buhay. Napakarami kung susumahin. Paano kung may 5 babaeng lamok ka sa bahay? O mas marami pa? ilang itlog ng lamok yun? Ilang lamok ang lalaki sa tahanan mo!

 

     Ang mga researchers mula Department of Science and Technology’s Industrial Technology Development Institute ay napag-aralan na ang pagpatay sa mga itlog na ito ang pinakamabisang paraan upang mapababa ang bilang ng dengue-carrying mosquitoes. Matapos ang maraming laboratory studies, ang mga  researchers ay napatunayan na ang bilang ng aegis aegypti mosquitoes ay bababa kung ang mga tubig na pinangingitlogan ng lamok ay  magagamot. Ito ay magreresulta sa pagpababa ng dengue cases.

 

    Sa kanilang pag-aaral, gumamit sila ng “mosquito trap” na tinatawag na OL TRAP (Ovicidal-Larvicidal Trap). Ayon sa kanila ang lawanit na ginagamit dito at ang kulay itim na lalagyan nito ay umaakit sa mga lamok. Ang pellets na nilalagay sa tubig ay pumapatay sa itlog at larvae ng lamok. Ayon sa kanilang laboratory tests, ang OL TRAP ay 100 % na epektibo.

 

    Gamitin ang OL TRAP at sabayan ng paglilinis sa bahay. Mahalaga ang buhay ng bawat tao. Huwag nating hayaan na isang lamok lamang ang papatay dito.

    
Comments