Latest News‎ > ‎

REGIONAL STEP, CES WAGI

posted May 12, 2011, 1:14 AM by Gemma Rose Loyola

 

        Muli na namang nagwagi ang Cataning Elementary School sa ginanap na             Regional Student Technology and Entrepreneurs of the Philippines (STEP) noong Disyembre 14,       2010 sa Angeles City, Pampanga na nilahukan ng mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya ng Rehiyon II

 

Sa dinami-rami ng mga lumahok sa nasabing kompetisyonh hindi nagpadaig at nagpahuli ang ating paaralan sapagkat  nasungkit ni Christine Joy C. Alviz , VI-1  ang ikalawang puwesto sa    larangan ng Flower Arrangement sa ilalaim ng kanyang gurong tagapagsanay na si Gng. Rosita B. Forbes. Isang patunay lamang ito na isa sa mga dekalidad na paaralan ang Cataning dahil sa kahit na anong uri ng kompetisyon hindi tayo papadaig at papahuli.

 

Ang nasabing kompetisyon ay dinaluhan ng mga kagalang-galang na supervisors,             principals, teachers at iba pang kawani ng DEPED Region III na siyang nagbigay ng inspirasyon sa bawat mag-aaral at gurong tagapagsanay upang maging makabuluhan ang araw na iyon.

 

Samantala ang layunin ng STEP ay mabigyan ng sapat at mas malawak na            kaalaman ang bawat mag-aaral sa paggawa ng livelihhod project tulad ng pagdyodyobus ng mga         damit, tamang pag-aayos ng mga bulaklak, asexual propagation at iba pang gawaing pangkabuhayan na magagamit ng bawat mag-aaral sa pagtugon sa magandang kinabukasan.

Comments