Latest News‎ > ‎

School Training for School Paper Advisers and Campus Journalists, Isinagawa

posted Oct 22, 2009, 10:19 PM by Gemma Rose Loyola
Bilang paghahanda sa Division School Press Conference (DSPC) nagsagawa ng School Training for School Paper Advisers and Campus Journalists ang Cataning Elementary School noong ika-10 at 11 ng Hulyo na nilahukan ng mga piling mag-aaral mula sa ikatlong baitang hanggang ikaanim na baitang.
Pinaglaanan ng oras at panahon ni Mr. Arlene James S. Pagaduan, resource speaker at isa sa mga kinikilalang bihasa sa larangan ng pagbabalita ang nasabing training.
Naging interesado ang bawat isa sa nasabing pagsasanay kung saan natuklasan ang kanilang kakayahan at kasanayan sa pagsulat ng balita at lathalain, magbigay ng opinyon sa mga napapanahong isyu, sumubok sa editorial cartooning at mag-ulat ng balita.
Naging matagumpay ang nasabing pagsasanay sa tulong ng mga School Paper Advisers (SPA) sa pangunguna nina: Mrs. Gemma Rose D. Loyola, Mrs. Ma. Luisa M. Gomez, Mrs. Cristy D. Soria, Mrs. Janice P. Banzon, Mrs. Mary Jane A. Martinez, Mrs. Maridel T. dela Cruz, Ms. Catherine Carlos at Mrs. Jocelyn L. Salazar at sa suportang ibinigay ng paaralan sa pamumuno ni Dr. Bernadette G. Paraiso – ang punong guro ng paaralan.

Comments