Latest News‎ > ‎

Scouting Investiture, matagumapy na naisagawa!

posted May 12, 2011, 1:24 AM by Gemma Rose Loyola

 

Tunay na isang tagumpay ang nangyaring scouting investiture sa paaralan ng Cataning noong ika- 26 hanggang 27 ng Nobyembre, 2010. Sa loob ng matagal na panahon ngayon na lang muli nangyari ang ganitong okasyon kung kaya’t ang lahat ay tuwang-tuwa.

 

            Itinalaga ang lahat ng mga batang iskawt sa paaralan ng Cataning mula sa preparatory hanggang sa ika-anim na baitang. Naging maayos at maganda ang daloy ng programa dahil na rin sa pagtutulungan ng mga guro ng Cataning at sa suporta na rin ng mga batang iskawt at ng kani-kanilang mga magulang.

 

Nang matapos ang pagtatalaga nagkaroon ng backyard camping para sa mga babae at lalaking iskawt na kung saan nagkaroon sila ng campfire at nagpakita ng kani-kanilang galing sa pag-awit, pagsayaw at pag-arte.  Kinabukasan ay nagkaroon ng iba’t ibang aktibidades para sa mga batang iskawt tulad ng arts and crafts, hand and whistle signals at marami pang iba.

 

Natapos ang matagumpay na gawain sa pamamagitan ng isang awarding para sa lahat ng mga nanalo sa iba’t ibang aktibidades.

Comments