Latest News‎ > ‎

Search forSearch for the Best Implementor of the EPP Program, Cataning Elementary Di Nagpahuli

posted May 12, 2011, 1:18 AM by Gemma Rose Loyola

 

Isa sa mga suliraning kinahaharap ng ating bansa ay ang kakulangan sa pagkain dahil na rin sa mabilis na pagdami ng populasyon. Dahil sa suliraning ito itinuturo sa bawat paaralan ang iba’t ibang paraan upang masolusyunan ang kanilang problema sa pagkain tulad ng pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop. At dahil na rin dito kung kaya’t naglunsad ang DEPED Region III ng Regional Search for the Best Implementor of the EPP Program for the S.Y. 2010-2011.

 

            Layunin ng nasabing programa na siguraduhin na talagang nahuhubog ang bawat mag-aaral na maging produktibo at responsableng miyembro ng pamilya at pamayanan na kanyang kinabibilangan. Naniniwala din ang DEPED Region III na malilinang sa bawat mag-aaral ang tamang ugali at damdamin sa paggawa sa pamamagitan ng nasabing programa.

 

            Ang Cataning Elementary ay isa sa mga paaralan na tumugon sa inilunsad na programa. Sa pangunguna nina G. Eduardo Malibiran at G. Manolito del Mundo katuwang ang          mga guro at mag-aaral ng paaralan ay nakamit nito ang unang pwesto sa Division Level at ang ikatlong puwesto sa Regional Level. Hangad ng paaralan na di lamang makilala kungdi maging instrumento upang makatulong sa pamayanan lalung- lalo na sa mga pamilyang bumubuo nito.

 

            Ang mga sumusunod na criteria ang nagsilbing pamantayan upang piliin ang Best Implementor.

                                    1. Presence of vegetable garden

                                    2. Malunggay orchard

                                    3. Adoption of different strategies and technologies

                                    4. Urban gardening

                                    5. Contribution to the School Feeding Program for H.E. Feeding Program Report

                                    6. Other relevant activities like waste management, income generating projects

                                    7. School Nursery and garden house

                                    8. Accessibility and sufficiency of water supply

                                    9. Record management

                                    10. Integration of ICT program (as a tool)

Comments